Doon Sa May Kanto

Naaalala ko pa nang una kong marinig
Ang ‘yong pangalan
Nabanggit ka ng tinderang tsismosa
Doon sa may tindahan
Ikaw raw ang may pinakamahabang
Listahan ng utang
Ngunit di mahindian
Kasi nagbabayad ka naman tuwing
Kabilugan ng buwan

Hindi ko na lang pinansin
Ang tsismis ni Aling Lukring kasi–

May magagawa ba ang isang tulad ko
Kung malaman kong
Singhaba ng mga pangako ng pulitiko
Ang utang mo

Doon sa may kanto…

Naaala ko rin nang una kang mapansin
Nakatambay sa may kanto
Ikaw ang bida
Bentang-benta lahat
Ng ‘yong mga kwentong barbero
Hindi ko naman namalayan
Nang ika’y lumapit sa ‘kin
At ako’y nabigla
Kasi nagpakilala ka
Kahit magdamag na tuksuhin

Hindi ko na lang pinansin
Ang tsismis ni Aling Lukring —
Kahit na nakatutuwang malaman
Na ako ang dahilan
Ng yong pangakong pagbabago
Nakalista rin sa utang mo

Doon sa may kanto…

Advertisements

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on April 5, 2011, in Blogroll. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: