Monthly Archives: April 2011

we don’t belong

when i met you my days began to shine
moments with you and
thoughts of you filled my mind
but love is cruel i realized in time
breaking in tears for you will never be mine

living a life, sharing a life with you
all is wrong when i’m with you
i know
coz we don’t belong

the words you said can never erase the pain
it will remain and i’ll be alone all the same
oh love is cruel i realized in time
breaking in tears for you will never be mine

living a life, sharing a life with you
all is wrong when i’m with you
i know
coz we don’t belong

coz we don’t belong
your world is different
that no matter how i try
i just couldn’t fit it
i feel like an alien
your world is not mine
so i have to accept
now i know all is wrong
when im with you
coz we don’t belong

pagsuyo

sasamahan ka, pasasayahin,
hanggang mapanatili, mapatiwasay,
tuluyang makapagpahinga, madalisay.

aarugain ka, yayakapin,
pakikinggan, bawat mong hinaing,
tutulungan ka, kakalingain.

ipagtatanggol ka, susuyuin,
luha’y papawiin, aaliwin,
papayapain ka, pakamamahalin.

manhid

ang init ng ulo mo
di ka kamo nireply-an
ilang oras na naghintay
ang text mo lang nama’y
“gising ka na ba?”

naglasing ka na naman
di kamo siya nagparamdam
ilang araw na naghintay
gusto mo kamong alamin
“tayo pa ba?”

nag-iiyak ka na naman
wala ka pa ring alam
hindi ka lang masabihan
busy basta ikaw
walang pakialam.

pakiusap, masanay ka
sabihan ang sariling
huwag naman, huwag na lang
ang umasa sa wala
walang pupuntahan.

Doon Sa May Kanto

Naaalala ko pa nang una kong marinig
Ang ‘yong pangalan
Nabanggit ka ng tinderang tsismosa
Doon sa may tindahan
Ikaw raw ang may pinakamahabang
Listahan ng utang
Ngunit di mahindian
Kasi nagbabayad ka naman tuwing
Kabilugan ng buwan

Hindi ko na lang pinansin
Ang tsismis ni Aling Lukring kasi–

May magagawa ba ang isang tulad ko
Kung malaman kong
Singhaba ng mga pangako ng pulitiko
Ang utang mo

Doon sa may kanto…

Naaala ko rin nang una kang mapansin
Nakatambay sa may kanto
Ikaw ang bida
Bentang-benta lahat
Ng ‘yong mga kwentong barbero
Hindi ko naman namalayan
Nang ika’y lumapit sa ‘kin
At ako’y nabigla
Kasi nagpakilala ka
Kahit magdamag na tuksuhin

Hindi ko na lang pinansin
Ang tsismis ni Aling Lukring —
Kahit na nakatutuwang malaman
Na ako ang dahilan
Ng yong pangakong pagbabago
Nakalista rin sa utang mo

Doon sa may kanto…

%d bloggers like this: