Monthly Archives: April 2010

nakakapanibago

naninibago sila sa ‘yo.
di na raw madalas
kumunot ang ‘yong noo;
masigla ka na rin
at hindi na antukin.

napapansin ka nila.
malimit ka na raw
ngumiti at tumawa;
ang dating suplado
tila mahikang naglaho.

bakit parang ‘di ko napansin
na ika’y dating bugnutin?
at kung ako’y nangungulit
kahit paulit-ulit
di ka naman nagsusungit.

‘di ako naniniwalang
nakakatakot kang nilalang.
mukha ka ngang prinsipeng
laging handang umakay
sa tulad kong pasaway.

Advertisements
%d bloggers like this: