Ano nga ba ang Pag-ibig?

Saan ba maihahalintulad ang
pag-ibig?

Nang maulinigan ba ng ina
ang unang iyak
ng kanyang sanggol?

Sa mga nakakaaliw
at maliliksing galaw ba
ng mga batang paslit?

Maaaring sa mga inosenteng ngiti
o kaway kaya ng kamusmusan?

O sa sandaling makapagbahagi
ng angking kakayahan?

Kailan nga ba masasabing
mayroon na ngang
pag-ibig?

Kung sa kilos at pananamit
ay may ingat na at kisig?

O sa hinog na kaisipa’y nalilirip na
ang kaibhan ng ambisyon sa panaginip?

Paano nga ba maitatangi itong yaring
pag-ibig?

Sa pagniniig ba ng kaisipan
at pagpupunyagi ng kinabukasan?

O sa pagdatal ng damdaming
handang pumalis ng lungkot,

At bumura ng pangamba.

Sa pagtalima ng puso na

Mapagtiwala,

Nagpaparaya,

At nagbibigay saya.

Sa tuwina…

Para sa isa’t isa.

*Wrote this poem as a submission to an AVP script requested by a good friend, Dr. Glenn Neira. And here’s me wishing the would-be couple, Glenn and Lizette, for a life of blissful journey together as they tie the knot on December 22nd.

Advertisements

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on December 13, 2009, in Blogroll. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. mahal ko sya kaso may mahal na syang iba paano na kaya………..

    • Hello Kim. Tanong iyan ng di ko na mabilang na mga taong nakaulayaw na. Masayang magmahal, at ganoon din ang mahalin. Kung may mahal ng iba ang taong pakiramdam mo ay mahal mo pa rin, at kung pareho tayo ng pang-unawa sa “pagmamahal”, magiging masaya ka para sa kanya. Oo, makakaramdam ka minsan ng di maipaliwanag na pasakit, ngunit naniniwala akong ang busilak na nararamdaman ng puso ay tunay at higit na mabuti, at may dulot na saya.

      I do hope and pray that we all find the love that we long for, that love which can at least be even a tiny bit close to how God loves us, even when we don’t deserve it. Keep your heart beating, and thanks for dropping by. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: