Monthly Archives: November 2009

Kandidato at Pulitiko

Pinuno ng pag-asa
Nakatanghod and madla
Bukambibig na pagbabago
Alay himig patotoo

Bawat hakbang bubuntutan
Mga salita’y susuriin
Partido at paninindigan
Mariing susukatin

Ano ang kayang gawin
Saan nga ba dadalhin
Bakit kailangang mangako
Paano ba tatanggapin

Susundan, hihimayin
Pakikinggan, lilimiin
Higit sa likod ng isip mo
Taumbaya’y may talino

%d bloggers like this: