Hangin

Kung hangin ka na lang
Saan ka pupunta?

Iikom ka na lang ba
Upang hindi mapansin
O sasabayan ang alon
At sisisid sa papawirin?

Magpapatuloy ka bang
Sa haring araw makipagsabayan
Upang makapagpunyagi
Makapawi ng alinsangan?

Gagawi ka ba kung saan
May halaman at bulaklak,
Na isinandal sa pangarap
At pino ang halimuyak?

Kung hangin ka na lang
At walang nakakakita
Tatanggapin mo ba,
Mamutawi sa damdamin

Hindi lang ako hangin…

Hangin ako.

Sa bawat paghinga:

Paiindakin ko ang mga dahon
Paglalayagin ang mga bangka
Iilalim sa mga pakpak
Magpapatuyo ng mga luha.

Makikipaglaro ako sa mga bata
Na nagpapalipad ng saranggola
Natutuwa sa lobo
O nagpapatalbog ng bola.

Kung masabay man sa alikabok
At dahilan ng pagkapuwing,
Magbibigay pa rin ng luwag
Mapabuntunghiningang naisin.

Kung masabay man sa bagyo
At sa nagngangalit na buhawi,
Aakay ng pag-asa
Sa sisibol na lunti.

Dahil hindi man pansinin,
Hindi man hanapin
Iihip, mararamdaman
Kahit sabihing hangin lang.

Advertisements

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on June 28, 2009, in Blogroll. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: