lipas

nabilang na ang bawat hibla
ng luhang pumatak sa mugtong mga mata
pinuno nito ang pasensyang nagmistulang
ibinuhol sa pagasang naghihintay ng kailanman
sa itinagong simangot at pagkabuktot
nagpupuyos ang kamaong walang laban
inakong kapaguran, hinamak, inapakan.

pagkalugmok sa sariling kahinaan
isinukbit sa balikat na ligalig ng kapaguran
napipi ang bibig na nilayasan ng ngiti
nagpanting ang taingang nabibingi sa pighati
sinukuan na ang nahabing pangarap
iwinaksi sa ulirat na mabigyang ganap
hindi ngayon, wala ng bukas sa pagtanggap.

mananatiling tahimik ang kasiyahan
sa damdaming kinimkim ng luhaan
hahayo ng walang matatanaw na pasakit
patuloy na iikot sa saliw ng masayang awit
hanggang hindi na makakantian
gahibla man ng sinanay na katawan
lipas na, sa dilim ng kapanglawan.

Advertisements

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on May 4, 2009, in Blogroll, Poetic Justice. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. Pagkakaroon ng isang matibay na pundasyon upang ngumiti kahit paano sa balintunang daigdig nasaan man at anumang panahon! Maaaring lumipas sandali ang lungkot at ligaya ngunit sa huli ng araw, makikita rin ang tunay na kahulugan ng kaligayahan!

    Sabik akong malaman kung saan mo hinuhugot ang ganitong kaisipan. Kahit manawari’y mapawi ang luha ng dibdib.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: