Monthly Archives: March 2009

storm has come

lay now the laurels,
storm has come —
the sails are wrung
feel any stronger?
do any better?

there’s hope
in a whisper.

panaginip

Ito ay “hayko”,
bersyong Tagalog ng Japanese “haiku” kung saan
ang isang saknong ay may tatlong linya.
Ang una-ikalawa-ikatlong linya ay may
5-7-5 na pantig.

hirap pagtulog
isip di mapahinga
parang karera.

lalim na’ng gabi,
mulagat pa ring mata
walang magawa.

hanggang antukin
diwang nababalisa
namasyal tila.

totoo nga ba?
ika’y magbabalik na
ngunit kailan pa?

paano na nga?
nawala na’ng tiwala
hahanapin ba?

saan na nga ba?
walang patutunguhan
kung masasaktan…

para saan ba?
ligaya, ngiti, saya
ng nagdurusa?

maraming tanong
at naalimpungatan
nagising na lang —

napabalikwas!
may katotohanan ba
kung panaginip ka?

%d bloggers like this: