Monthly Archives: January 2009

Wala Pang Isa

Wala pang isang taon
Sandali lang
Nataranta, nawaglit
Nauyam, humibik.

Wala pang isang buwan
Sandali lang
Kumalma, sumaya
Nabighani, nag-isa.

Wala pang isang linggo
Sandali lang
Nainis, nainip
Nabigo, nasaktan.

Wala pang isang araw
Sandali lang
Nabagot, nauyam
Tuliro, nagpaalam.

Wala pang isang minuto
Sandali lang
Nagparaya, umasa
Ngumiti, nagdusa.

ikot ng mundo

paulit-ulit, walang sawa
nasanay na, namanhid
bukas tiyak
ganoon ulit

paikut-ikot, walang masulingan
patuloy na nasasaktan
bukas malamang
maghihilom naman

pakislap-kislap, tunay na galak
taginting na halakhak
bukas sana
hindi na payak

papalit-palit, lito ang isip
ungkatin lupa’t langit
hintayin bukas
muling ililigpit

pangiti-ngiti, walang atubili
kakampi’t katunggali
sana bukas pa rin
masuyo, magkapiling

unti-unti, napupuno
ngalay man ang puso
bukas asahan
ligaya’y magpaparamdam.

Senti Mode: Ang Susi ng Puso

Ang Susi ng Puso is included in Bayang Barrios’ album entitled Biyaya. If you want to sing-along, go to http://www.bayangbarrios.com, click Downloads and navigate your way to “Ang Susi ng Puso”.

Hindi ba dapat simple ang buhay
Bakit parang hindi ako masanay
Magmahal ng nagmamahal sa akin
O umibig ng kaya kong ibigin
At magmahal ng marunong magmahal

Kung ang susi ng puso matutuklasang
Hawak ng taong di makakamtam
Sana kandado’y mapapalitan
Ng tunay kong pag-ibig

Kung ang susi ng puso matutuklasang
Hawak ng taong di makakamtam
Sana kandado’y mapapalitan
Ng tunay kong pag-ibig

Bat di ko nakasanayan
Ang simple at pangkaraniwan
Magmahal ng pwedeng magbaba sa akin
Umibig ng kaya kong ibigin
Magmahal ng marunong magmahal

Kung ang susi ng puso matutuklasang
Hawak ng taong di makakamtam
Sana kandado’y mapapalitan
Ng tunay kong pag-ibig

Kung ang susi ng puso matutuklasang
Hawak ng taong di makakamtam
Sana kandado’y mapapalitan
Ng tunay kong pag-ibig

%d bloggers like this: