Monthly Archives: October 2008

Pakiusap Lang

Please naman
Nakikiusap ako

Huwag mo akong bilangan
Nag-iisa lang ako

Huwag mo akong hanapan
Wala naman akong itinatago

Huwag mo akong ikumpara sa iba
Hindi ako sila

Huwag mo akong pilitin
Sa ayokong gawin

At please lang
Nakikiusap ako

Huwag kang masyadong magalala sa akin
Hindi kasi kita naiisip

Huwag kang masyadong mabait
Nagmumukha akong demonyo

Huwag mo akong tulungan
Nagpapara akong baldado

Kung maaari lang
Sarili mo naman ang isipin mo

Huwag kang masyadong malapit
Nagsasawa na ako

Pakiusap, tantanan mo ako!

– Litanya para sa Konsensya

Advertisements
%d bloggers like this: