Monthly Archives: August 2008

Nahan Ka?

noong isang linggo lang
kasama pa kita
sabay tayong nakaramdam ng panglaw
pinahid mo pa nga ang aking luha

ngunit nahan ka na
bigla kang nawala

naalala ko pa
sabi mo, walang dapat ipangamba
kayang kaya basta’t magkasama
itapon ng lahat ng pagkabalisa

ngunit nahan ka na
ako’y nangungulila

naglaho ka na bang tuluyan
nawalan na rin ng pag-asa
nakaramdam na may mga bagay
na wala ng paraan

dahil nasaan ka na
tulad nila,

lilisan ka na rin ba?

%d bloggers like this: