Monthly Archives: May 2008

DVD / VCD

Nairita na ako sa mga pirata
Naalala kasi kita
Kaya nga kanina
Kahit namomroblema sa pera
Hindi ko mapigilang bumili
Ng mga bagsak presyong DVD at VCD

Okey na rin
Pampalubag loob sa akin
Sa kaunting sandali
Umagos ng walang tigil ang mga luha
Sa buhay ni Mother Teresa
Pagkatapos noo’y
Napangiti ni Samantha
At kahit paano ako’y nakahinga

Kaya heto ako ngayon
Umiiwas gumegewang
Ikaw kasi

Nagpapahiwatig ka na naman

Aking Mundo

Nakatanaw na naman sa malayo
Nagbibilang ng bituin
Mga paa’y nilulumot
Sa paghihintay
Sa ‘yong pangakong limot

Nalanta na ang regalo mong cactus
Butas na rin ang bigay mong jeans
Napanis na ang laway
Di pa rin makatulog
Mga lasing na
Ang mga nagpiyestang lamok

Sandaang oras ng nakatunganga
Sinasapot na ng gagamba
Ulo ko’y kinakalawang
Ayaw mag-isip
Please, huwag kang lumisan

Lumilipad ang utak
Nagsasayaw sa hangin
Ang bawat gunita’y naglalaho na lang
Sa king gulung-gulong isipan
Kulang ang aking buhay
Tila wala ng saysay
Ngunit patuloy pa rin
Sumasamo
Huwag mong lisanin
Ang aking mundo

%d bloggers like this: