Monthly Archives: March 2008

Bakit Dati

bakit dati, halos lumipad ako pag kailangan mo;
bakit ngayon, ako’y nanlulumo?

bakit dati, halos dukutin ko ang mga matang nais laitin ka;
bakit ngayon, ako’y natatawa?

bakit dati, pag sinambit mong pangalan ko ako’y kinikilig;
bakit ngayon, ako’y nauumid?

bakit dati, ayokong nagugutom ka;
bakit ngayon, kahit mauhaw ka pa?

bakit dati, handa akong sumayaw h’wag ka lang malungkot;
pero ngayon, hindi na ako apektado ng iyong simangot?

bakit dati, masaya na akong ika’y masulyapan;
pero ngayon, ako’y nasusuklam?

bakit dati, kahit anong kailangan mo’y ibibigay;
pero ngayon, kahit lumutin ka pang maghintay?

bakit wala na akong pakialam?
bakit ngayon lang naramdaman?

ako ba ang nagbago;
o nakilala ka lang ng lubusan?

Advertisements
%d bloggers like this: