babay

lilisan na ako, lalayo
upang hindi ka na masaktan
dadalhin kong lahat, aakuin
pagkakamaling iyong ibinunton
walang paliwanag, di mo na maririnig
pahayag kong isinigaw sa bikig

ako’y tuluyang iibis, magpapanibago
kahit umindayog sa tulirong siphayo
ikaw ang nagparaya, kusang nagakala
walang pakundangang ako’y talikuran
di na ko maghihintay, di maibabalik
pait-tamis ng malamyos na hibik

paparoon na ako, aahon
kapiling ng bawat lakas ko’t kanlungan
mas mainam ang mapagod, masugatan
sa halip na maparam at masuklam
kailangang iwaksi, tuluyang lumimot
kapwang pananabik at poot

iiwan na kita, hahayaan
kasama ang lahat ng ‘yong agam-agam
ikaw ang lumikas, unang nagpinid
tinabig ang mga pangarap kong nililirip
ito na ang huli, maging balewala
maging alipin ng ‘yong gunita

lonelinesspaalam, paalam na
kahit nasa ‘yo ningning ng mata
kahit ikaw ang dahilan ng saya
kahit magmistulang tanga
di bale, di bale na
ikaw din naman ang naging balong
ng bawat lungkot ko’t dusa.

totoo na to, babay na. babay.

Advertisements

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on February 3, 2008, in Blogroll, Poetic Justice. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: