Monthly Archives: December 2007

Ano Nga Ba?

Sa tuwing tumitingin ka sa ‘kin, anong nakikita mo–

Ang mga katangiang mayroon ako, o
Mga ganap na wala sa akin?

Sa tuwing nakikita mo ako, anong pinapansin mo–

Ang mga kaya kong gawin, o
Mga nais mong gawin ko para sa ‘yo?

Sa tuwing pinapansin mo ako, anong nasa isip mo–

Ang mga pangarap mo para sa akin, o
Mga pangarap ko para sa ‘yo?

Sa tuwing nag-uusap tayo, anong naririnig mo–

Ang mga nais kong sabihin, o
Mga nais mong marinig mula sa akin?

Sa tuwing magkasama tayo–

Masaya ka ba, o
Pinasasaya mo lang ako?

Nararamdaman mo bang naroon ako
O pinaparamdam mong nariyan ka lang?

At sa tuwing wala ka…

Aah. Mas marami akong tanong.

Kaya huwag na lang.

Wala ka rin namang masasagot.

Di na rin ako magtatanong.

%d bloggers like this: