kabuluhan

huwag kang mag-alala
naiintindihan ko
kung buong puso mong
ipadama na ako’y
walang halaga

sa tuwina
sa pagtatama ng mga mata
naaaninag ko ang iyong
pangamba

kaya’t nauunawaan ko
kung bakit
gusto mong
umiwas
ngunit hindi ang
lumayo

makalimot
upang mapunan

masaktan
ng higit na makaramdam

upang patuloy kang
manabik
na ako’y
ipagtabuyan
upang ako’y
maipagsanggalang.

kaya’t
nakikiusap ako
huwag kang
magpaliwanag

sapat na sa aking
marinig
ang mga katagang
hindi mo
mabigkas.

Advertisements

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on November 3, 2007, in Blogroll, Poetic Justice. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: