Sandali

Sandali, huwag ka munang umalis
May hindi ka pa alam:

Naroon sa pagitan
Ng pait at lungkot
Ang iniwan mong poot
Kunin mo, dalhin mo.

Sila’y nag-aagawan
Nag-aangilan kung kanino
Ipaparatang–
Madali, iyo’y sa yo.

Sandali, sino ka nga
na tila aninag lang?

Ngunit pumapagkit
Nalilirip sa bangungot
Dumudulot ng aliw
Na ayaw balikan.

Kinakalimutan
Hinahayaan lang
Nagsusumamo
Sana’y di na lang.

Sandali, hintay.
Huwag kang kumaway.

Sasabay ako.
Sasamahan kita.

Gusto ko ring
Mapahinga.

Advertisements

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on September 19, 2007, in Blogroll, Poetic Justice. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: