Paano

Mga bagay na nanghihingi ng paraan… kung mayroon man.

15 thoughts on “Paano”

  1. Paano mo paniniwalaan ang isang taong umaming isa siyang sinungaling?

  2. Paano mo kakausapin ang isang taong ayaw makinig?

  3. Jaz Curious said:

    Paano mo malalaman na mahal mo nga ang isang tao at hindi crush lang?

  4. Dear Jaz Curious, gusto ko sanang sagutin ang tanong mo, pero baka lalu ka lang malito. Isa lang ang sigurado ako. Pag crush, gusto mo lang matulog para mapaginipan siya. Pero pag mahal mo, isa kang insomniac. At magtataka ka kung bakit sa tabi lang niya ikaw nahihimbing. Haay!

  5. ang crush ay isang uri ng pelings ng isang tao patungkol sa isang pang tao o nilalang o bagay, pwedeng crush ko ang isang aso dahil maganda ang itsura nung aso, pwedeng crush ko ang laptop ko dahil maganda, masarap gamitin, mga ganong bagay. lagi mong iniisip ang crush mo, laging gustong makita, laging gustong makasama, ngunit pagmahal mo ang isang tao, hindi ka mabubuhay ng wala siya. hindi iinog ang mundo mo pag wala siya, hindi ka sasaya pag wala siya, magbibigay ka sa iba para lang sa kaligayahan nya kahit masakit sa iyo. hindi masakit mabigo sa crush, walang kasing sakit ang mabigo sa pagibig o pagmamahal.

    PS: hindi ako lasing. hehehe

  6. @ anakngalak:
    mukhang hindi kapanipaniwala ang ating depinisyon kaya hindi na nagkomento pa si Jaz Curious. Hehe.

    P.S. Di ba kat hindi ka nakainom, lasing ka pa rin?

  7. mukha nga ah, hayss, di talaga ko kapanipaniwala, hahaha!

    yan naman eh opinyon ko lang sa mga bagay-bagay, “ganang akin” ika nga ng tambay dun samin sa may kanto na nagbibilang ng mga butiki sa poste, pwedeng kang sumang-ayon at pwede ring hindi.

    lasing kahit di nakainom? lasing saan? hehe!

  8. Paano magpaalam sa ayaw mong iwanan?

    • paano nga ba magpaalam???

      madali lang magpaalam sa isang taong mahal mo lalo na kung para sa inyong dalawa….???

      • madali lang namang magpaalam sa taong mahal, lalu na kung may bibilin ka lang at babalik kaagad.

        pero kung matatagalan ang pagbalik, o kung hindi mo alam kung babalik pa, paanong paalam nga ba ang dapat gawin?

  9. Paano kung may gusto kang sabihin pero alam mong hindi ka naman pakikinggan?

  10. paano mo sasabihin sa katabi mong may muta sya kung hindi ka makapagsalita dahil sa iyong tinga?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.