Usad Pagong

Usad pagong,
hindi lumilingon —
napapasuntok
sa inis
ang kamaong
nakakuyom.

Usad pagong,
gumagapang;
simbagal ng paghingi
ng kapatawaran
ng taong
naglilinis-linisan.

Usad pagong,
nakakapagpatunganga,
napapakagat-labi
sa inip;
ang puso kong
nananabik.

About walangmalay

Walang Malay is a figment of sentiments, of wonders and perplexities, of ideologies and dreams, of anything about something. Ako ito, walang malay... o nawalan ng kamalayan...

Posted on November 9, 2013, in Blogroll, Poetic Justice. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a comment