Dahil walang sawang iyong binabanggit
Mga katagang sa diwa ko’y tuluyang pumagkit
Liriko ng iyong pagsamo’t pagmamahal
Kaya’t iyong dinggin upang malaman
Hindi kita maaaring saktan.
Malayang masasabi at magiging sigaw
Inspirasyong sumilay sa katauhang panglaw
Sa iyong pagsuyo na walang kawangis
Iyong asahan at pakatandaan
Hindi ko makakayang ika’y saktan.
Ang pusong yaring sa iyo ay nangako
Dumating man ang pagsubok at ika’y lumayo
Mananatiling ikaw ay kasama sa dalangin
Kahit sa panahong ako’y makalimutan
Hindi ko makakaya, hindi kakayanin
Hindi kita maaaring saktan.
Advertisement