Tunay nga.
Malakas ka kung ako’y mahina.
Masaya sa bawat kong pagluha.
Matapang sa aking karuwagan.
Nabubuhay sa aking kawalan.
Tunay nga.
Hindi na magkakasabay sa ngiti o pagtangis.
Hindi na maibabalik ang pagsuyo at tamis.
Ang umusbong na tiwala’y naging pangamba.
Nasanay ang pusong manhid na sa dusa.
Ngunit tunay nga.
Kapwa’y tao ding nasasaktan.
Hindi man mapansin ang mukhang luhaan.
Isasalba ang iniwang dulot na pasakit.
Papawiin ng ulan ang nagdilim na langit.

